April 8, 2008
Kanina umaga habang nag hahanda ako papasok sa trabaho. Ugali ko ng manuod muna sandali ng balita sa umaga(oh Diba!! kahit malalate na nakuha ko pang makapanuod ng tv ng bonggang bongga) So ayon na nga nakanakaw ng aking atensyon ang balita sa umagang kay ganda pero yung balita ay di maganda.
Sabi sa news isang mangingisda ang pinatay ng kanyang kaibigan at kapwa niya mangingisda. Ang rason humingi ang suspek ng isda at indi ito binigyan ng kaibigan. Ayon nagdilim ang paningin at napatay nya ito.
Grabe ganito na ba talaga kalala ang krisis sa pagkain at umabot na sa punto na kailangan ng magpatayan.
Nakakalungkot diba?
April 8, 2008 at 10:04 am
grabe naman yan…over! di mo na talaga kilalakung sino ang tunay na kaibigan sa panahon ngayon!
April 9, 2008 at 2:28 am
ang kahirapan ng buhay ay may kakambal na krimen, sa nangyayari ngayon sa ating bansa malamang mas marami pang mga pangyayaring ganyan ang magaganap, napapaisip na nga rin ako kasi nagmahal na rin ang karne ng baboy, so i am planning to change my diet na lang sa seafoods!
pero sa totoo lang hindi ako naniniwala na may rice shortage ang ating bansa, nakanumputyang gobyerno kasi, puro lang NFA ang inaasses na bigas, di ba nila nakikita sa mga probinsya na hindi naman kelangan ang NFA rice dahil sa isang bahay may nakaimbak na sako sakong butil ng palay na galing sa kanilang sakahan.
anyway pasensy ka na ate kung ginawa ko ng blog entry ang comment ko, uminit lang ulo ko kasi.
April 9, 2008 at 6:03 am
..grabe naman na jan sa pinas ngayon. parang wala na nga ako napapanuod na magandang balita jan. baka naman next na balita e nagpatayan dahil sa pila sa bigas!(knock on wood!) wala ng kaikaibigan.tsk!
April 9, 2008 at 7:07 pm
nakow, kaya ayokong manood ng mga balita eh..
April 10, 2008 at 12:20 pm
ang sagot lang naman jan wag maging tamad! kung gusto nya ng libreng isda, gumising siya ng maaga at mangisda…
April 10, 2008 at 12:21 pm
ang sagot lang naman jan wag maging tamad! kung gusto nya ng libreng isda, gumising siya ng maaga at mangisda ng sobrang dami para di na siya manghingi…
April 14, 2008 at 8:21 am
kaya nga nakakatakot ang krisis sa pagkain at kahirapan kasi kasabay nyan ang pagtaas ng krimen.
April 16, 2008 at 3:03 am
ganu man ka krisis ang panahon ngayon, matuto na rin sana ang iba na magbanat ng buto.
April 30, 2008 at 1:41 am
talagang lumalala na ngayon ang krisis sa bigas! ay ang layo pala…
by the way,, baka naman golden fish yung nakuha nila kaya nagpatayan???