Isang mabilis lang to nangyari to 2 araw na ang nakakaraan. Habang papauwi na ko mula sa trabaho ng sirain ng isang pasahero ang araw ko.
Ganito kasi yun, 6 kami pasahero ng jeep ng mga oras na yun. Katapat ko ang isang mag ina, ang cute nga ng bata lalaki tingin ko wala pa siyang isang taon. Syempre dahil bata, masigla, malikot. Katabi nila ay isang babae siguro nasa edad 40+ nakasuot ito ng blazer na white, pusturang pustura (mukha siyang doctor)Naisip ko baka nga doctor ito.
Wala akong pakialam kong sino man siya. Ito ang nakaka-inis grr…aksidente natamaan ng sapatos ng bata yung bulsa ng blazer nya na di naman madumi dahil syempre karga naman yung bata diba. Naku nagulat at nabadtrip talaga ko sa sumunod na eksena tumingin sya ng matalim sa mag ina sabay pahablot na inayos ang blazer nya. Gosh!!! as in Hello!! ang arte mo ha!!! Ang feeling nya masyado mataas ang tingin nya sa sarili nya, bakit mabubuhay ba siyang nag iisa?
Ang tanging nagawa nalang ng mag ina umusod ng upuan upang di na siya matamaan ulit. Parang gusto ko muningi ng mga oras na yun ng pasensya para sa mag ina. Parang gusto ko sabihin sa kanila”ate hayaan nyo na pagpasensyahan nyo nalang ang bruhang babae yun”
Nakakainis bakit may mga taong mapanuri, mapanghusga, mapangmata. Dahil ba simple lang ang suot nila, dahil ba di sila katulad nila nakasuot ng mga branded na gamit, dahil ba wala silang mamahalin mga cP, dahil ba wala silang mamahalin pabango kaya kapag natabihan sila magsasara ka ng ilong. Dahil ba di sila nakasuot ng mga pang opisina, oh nakasuot ng unipormeng di kilala titingnan mo na sila mula ulo hanggang paa.
Nakakalungkot dahil minsan naging ganun ako