stomachache.jpg

BuUUUuuset!!!

Quarter to 8 na tuloy ako nakaalis ng bahay…Nalate na naman tuloy ako sa trabahO. Sabagay di na bagO yun. Palagi talaga ko nalalate :)

PaanO ba naman malayo na ko sa bahay at pasakay na ko tricycle ng kumulo na naman ang tyan ko buset madaling madali talaga ko makabalik ng bahay, nanlalambot na ang tuhod at nanlalamig na ang katawan ko, kailangang magmadali dinoble ko na nga ang hakbang ng mga paa ko. Ginarimbal ko na gate, takbo sa pintuan, di na nagulat si manang kong bakit ako bumalik. Inihagis ko na nga ang bag ko sa sala at tumakbo na ko agad sa C.R

PPrrrtprrttttbLOcclockpLOcploockk… prestO!! hay Nanghihina tuloy ako, 3 beses na kaya ako tumae sa loob lamang ng isang oras at kalahati. Ano to lokohan??? Buset talaga….Anong klase tyan ba meron ako. Mabuti nalang di pa ko naabutan dahil kong hindi sigurado hahabulin ako ng aso at yuck magkakalat na naman ako eiiiWWwww . Kahiya-hiya!!

Naalala ko ginataan nga pala ang inulam namin kagabi kaya yon, nagtataE na naman ako.

Dyos miyo lahat naman kami sa bahay ei ginataan ang ulam, ako lang ang bukod taNging nag tatae..

Naubusan pa naman ako ng stock ng imudium. Bumili tuloy ako sa tindahan . 17.00 na ang imudium ngayon. . mahal na rin…

Parusa talaga tyan to… grrr!!!!!