Bago ko kayo kwentuhan sa mga pangyayari sa akin sa nagdaan na bakasyon. May isang kwento muna akong gusto i share sa inyo. Ito ay tungkol sa aking mga kamag anak at sa issue ng pasalubong. Paano ko uumpisahan. OKi na ipost ko sa mga nakaraan entry ko na may nagbakasayon ako uncle at auntie galing london nagpunta pa nga ako ng magkaroon ng handaan sa pagdating nila. Sa totoo lang nagpunta ako doon para ipakita lang na natutuwa rin naman ako sa pagbabalik nila. Di naman ako nag eexpect na maambunan ako ng pasalubong dahil alam ko naman di mangyayari. Kilala ko sila malayo at malamig ang pakikitungo nila sa aming mag anak. Sa akin walng poblema basta wala ako maririnig na mga salita oh anumang patutsada na sasabihin nila sa aking pamilya papatulan ko talaga sila.

Ayon na nga Dec. 29, 2007 nagpunta si sister ko sa Bats. Di ako sumama ewan ko ba ayaw ko na lang kasi makipag plastikan pa. Dec. 29 Kasi fiesta at parang reunion na rin ng pamilya. Syempre asahan ko na nandoon ang pamilya balikbayan. Naka received ako ng txt mga hapon na pabalik na daw ang kapatid ko nasa byahe palang daw sila. Si sister ko di na napigilan ang sarili di na sya nakahintay na makauwi itnxt agad nya sa akin ang mga kaganapan sa bats.

Sister ko : Ate alam mo ba si cousin miko at cousin grace bago ang celphone, si bibi may bagong make up kit, ewam ko kong anu pa binigay doon sa iba pa. Bigay ni uncle at auntie balikbayan.

menggay : Ows talaga!! Ok lang. Oki lang yan neng hayaan mo na sila. Gamit lang yan masisira din wag ka mag alala. Ok naman tayo diba?

Sister ko : Si baby “am” kinarga ni auntie balikbayan pero wala naman binigay pero di naman ako nag eexpext te, Si lolo binigyan si baby “AM” ng pamasko, heheheh!

menggay : Nag thank you ka? Lam mo naman si lolo, di tayo natitiis ni lolo ei sya nalang kakampi natin.

Pagkatapos ng pag uusap namin yun ni sister ko kinabukasan dumating ang auntie ko na kapitbahay ko lang. Gaya ni sister marami din syang kwento.

Auntie : May dala ko pasalubong bakit di ka umuwi?Sa amin yan ng iyong tiya nene pinag hati lang namin bahala na kayo. (Lumabas talaga ang totoo na wala naman talaga para sa amin)

Dala nya ang sumusunod: 2 pcs cornbeef, 1 pc soap(na walang pangalan) 1 colgate at 1 sardines.

menggay : (Bulong ko* Sa inyo pala yan di nyo naman kelangan gawin yan para lang di kami magmukha kawawa) masama po ang pakiramdam ko. (yun nalang sinagot ko) Salamat po sa pasalubong.

At patuloy pa siya sa pag kwekwento ng kong anu anu pero wala na ko naririnig, naging bingi ako bigla. Di ko namalayan natapos na siya sa mga pinag sasabi nya. Narinig ko nagpaalam na siya.

Gaya ng inaasahan ganun na naman ang nangyari plaka na nga ei hinahati nila nung isang tita ko ang mga bigay sa kanila at lalagyan ng pangalan namin magkapatid papalabasin binigyan din kaming magkapatid pero ang katotohanan doon sila lang ang gumagawa ng paraan para magkaroon kami at di talaga yun bigay ng uncle at auntie kong balikbayan.

Nagpapasalamat narin kami nag eeffort sila ng ganun. Pero buti sana kong di namin alam ang totoo. Na binalewala talaga kami, noon pa man maliit palang kami na obserbahan ko na kasi.

Maya maya naka recive ako ng txt galing kay sister ko dinalhan din kasi siya doon sa bahay ng biyenan nya at nalaman ko nga sa kanya na ganun din ang sabi ng tita ko na kesyo sa kanila daw yun ni tita nene na hinati lang nila at yun ang binigay samen blah blah blah…….

Sabi pa ni sister;

Sister: lam mo ba ate pagka alis namin nagbigayan daw ng 500.00 tinext ako ni tiya sayang daw at naka alis na kami kong talagang gusto nila kami bigyan at kong talagang bibigyan nga nila kami di na nila hintayin pa na umalis kami. Di ba ate? Bakit ganun sila aten parang di tayo kamag anak kong tratuhin.

*************************************************************************

Ginawa ko ang entry na to di dahil naiinggit kami,  para maalis ang sama ng loob ko, di naman sana importante sa amin ang pasalubong oh anumang materyal na bagay. Ang importante sa amin ay maramdaman yung concern at pagmamahal ng mag kakamag-anak. Di naman kami nag e-expect na bibigyan kami ng ganito oh ganun. Marunong di naman kami magpasalamat sa mga binibigay at ginagawa nila para sa amin. Pero sana bukal sa mga kalooban nila. Mahirap bang gawin yung para sa isang ka-dugo. Bakit kailangan magkaroon pa ng mga ganitong poblema ang mag kakamag-anak. Diba dapat bago ang ibang tao mag kakamag-anak muna ang magtutulungan, magdadamayan. Lalo na alam nilang malayo kami sa mga magulang namin. Katwiran daw kasi nila kaya di na kami binibigyan nasa abroad naman ang mama. Ok!!!

Hay…Sana ang lahat ng poblema itong nawawala sa isang buntong hininga lamang.