Ngayon ay kaarawan ng papa ko, 56 na siya. Noong nabubuhay pa siya sa mga oras na ito nagluluto na ang mama ko. Mga simple handa na nakakapagpasaya sa papa ko. Kapag bday nya di namin sya nakakasama mula ng mangibang bansa sila ng mama di namin naranasan makasama sila sa mahahalagang okasyon. Gaya ng X’mas oh new year, bday, graduation. Malungkot kasi kungdi sulat, card, or telepono lang ang nagiging daan para mabati namin ang isa’t isa.
Ang papa ko naku napakabait na ama, never ko narinig na nagtaas siya ng boses, palagi siyang mahinahon.
Di ko masabi kilalang kilala ko na siya kasi nga di ko naman siya nakakasama araw araw pero bilang anak sa ama naramdaman kong napaka buti nyang asawa sa mama at ama sa aming magkapatid.
Mahal na mahal namin siya kaya ganun nalang sumama ang loob ko kay god nung kunin agad si papa sa amin. Marami pa sana kaming plano, gusto gusto pa namin makasama siya. Gusto pa namin makita ang pagtanda niya, gusto pa namin makita nya ang magiging mga apo nya sa amin sa hinaharap. Ngayon nga may isa na siya apo si “Baby AM” Sayang at lalaki siyang di nakilala ang lolo theody nya.
Isa siyang napakabuting anak, kapatid, asawa, ama sa aming lahat.
Pa,
Kamusta ka na dyan sa heaven? Miss na miss kana namin… Alam ko masaya ka na sa piling ni papa jesus, Palagi namin tatandaan lahat ng mga pangaral mo. Yung palagi mo sinasabi na huwag magtanim ng sama ng loob sa kapwa at sa kamag anak pipilitin ko magawa pero pa di ako nangangako ha. Huwag mo na kami alalahanin alam namin palagi mo kami sinusubaybayan. Huwag ka mag alala di namin pababayaan ang mama. Di namin siya iiwan . Lam mo ba ang cute ng apo mo, hehehe si Ineng ang taba pagkatapos manganak. Si lolo may sakit ngayon marami siyang lapnos sa kanyang tyan. Sa albularyo siya dinala ni tya nene ang sabi “pamaso” naawa nga ako kay lolo naisip ko palang kong gaano kasakit lapnos niya naiiyak nako. Sana kasi sa doctor nalang siya dinala.
Si Uncle sonnie naman umuwi buong pamilya sila syempre po nagyabang hehehe! Pero papa lam nyo ba sabi ng mga bisita kasi nag pasuble sila kaya yun nagkaroon ng malaking handaan. May nagbulong sa akin ang sabi”mas gwapo pa rin at maamo ang mukha ng papa mo” Sabi ko aba syempre po heheh.
Sige PapA “HAPPY BDAY” ulit…..
Ang cute ninyong anak,
Menggay

December 28, 2007 at 7:57 am
happy bday to ur dad…nasa heaven na din dad ko..nag kita kita na sila cguro dun..be happy…ur dad must be so proud of his family now..especially he must be so much proud of the daugther he has in you.
December 28, 2007 at 12:30 pm
ano bah!!ang bata bata ko pa tinatawag na akong kuya…mas bata pa nga ako tignan kay eddie gutierez…lols…..maldito nalang ang itawag mo saken..ahehhe.. (pang porn start)..nag iinuman na sila cguro sa taas kasama si san pedro..may dala kasi ang tatay ko ng manok pang pulutan..lols
December 29, 2007 at 4:30 am
happy birthday sa papa mo. im sure proud siya sa menggay niya ngayon. hindi ka naman papa’s girl no?
December 31, 2007 at 9:58 pm
happy birthday sa dad mo…
Happy memories na lang siguro ang i cherish mo.. im sure masaya na sya with papa jesus…
Girl, may tag ako sa’yo.. better kung ichecheck mo na lang yung blog ko.. thanks thanks
Happy New Year!!