Isang bagong prinsesa na naman ang nadagdag sa aming pamilya. Si baby “AM” short for Angel Mae. Idol na idol kasi netong bayaw kong bakulaw ang kagandahan ni Angel. Kagaya ng mga nauuso sinasamahan ito ng pangalan ng myembro ng pamilya at yung Mae nga ay sa pangalan naman ng aking Kapatid kinuha. Doon nabuO ang pangalan ng bata Na “ANGEL MAE”
December 4, 2007 , Alas 12 y media ng Hapon isinilang si “Baby AM” Ang cute cute nya, maputi ang kanyang balat, di sya iyakin hehehe!! Tuwang tuwa ang lahat. Ang proud daddy tarantang taranta. Ganun din ang proud lola(Nanay ng Lalaki) At syempre pa ang tuwang tuwang/napaka cute/charming/ nyang tita uhum ako yun. Ang kanyang tita Menggay.(Hehehehe)
Si “Baby AM” ang una ko palang na pamangkin. Ganun yata talaga ang buhay nauna pa mag asawa sa ate ang bunso. Hehehehe!! Ganun pala ang pakiramdam, mixed emotion masaya kasi nakaraOs na siya ng maayos at ramdam na ramdam ko kong gaanO kasaya si kapatid sa pagkakaRoon nya ng anak at pamilya. Malungkot kasi di man lang nya naabutan na buhay ang lolo theody nya malamang kong buhay yun sigurado palagi hihiramin nun si “baby AM” Malungkot kasi nasa abroad pa ren ang lola Fhely nya na alam ko gustong gusto na rin sya Makita.
Sayo “Baby AM” Mahal ka naming lahat!!!

December 6, 2007 at 4:35 am
mabuhay si baby AM! sabunutan ang tita mengay! hahahaha! biro lang.. congratulations sa inyo dear at welcome to the new member of family.